hay. ewan ko ba. lately ang gulo ng isip ko. ang dami kong iniisip na di naman karapatdapat isipin. para na nga akong tanga kasi pati problema ng iba, pinoproblema ko. ang hirap, di ko malaman kung matalino ba ako o kung sadyang epal lang ako sa mundo. ang daming trahedya. ang daming pagpapatayan. ang daming nagrarally. ang daming nagrarap para kay gloria. ang daming nagtitweet para sa mga administrasyon ng iba’t ibang bansa. hay. ramdam ko yung bigat. dagdag mo pa sarili kong problema. sana nga makatarungan lahat ng ‘to. sana…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.